Kaso Laban kay MCTQ, Ibinasura

Noong December 7, dinismiss ng Ombudsman ang kasong inihain nina former Municipal Councilor Angelito de Vera at Crisostomo Bato laban kay Mayor Cezar Quiambao kaugnay sa pagrenta ng Royal Mall sa property ng munisipalidad. Maanomalya diumano ang naging transaksyon na pinasok ni Mayor Quiambao habang siya ay isang pribadong indibidwal at pinuno ng Strategic Alliance Holdings, Inc. at lumalabag sa Republic Act No. 7080 o “An Act Defining and Penalizing the Crime of Plunder” at R.A. No. 3019 o “Anti-Graft and Corrupt Practices Act.” Ang mga nasabing alegasyon ay dinismiss ng Ombudsman dahil ang mga ito ay walang matibay na basehan.

Arrow
Arrow
Slider