IEC on COVID-19 Vaccination Program, Ongoing

Nag-umpisa na ang Task Force Bakuna ng LGU, sa pamumuno ni POSO Chief, Ret. Col. Leonardo Solomon, sa paglilibot sa mga barangay upang magbigay-gabay ukol sa isasagawang pagbabakuna sa mga Bayambangueño kontra-COVID-19. Kasama ang RHU at MDRRMO, tinatalakay ang mga posibilidad na maaaring mangyari at magiging epekto nito sa ating kalusugan at bayan kung ang bawat isa ay magpapabakuna. Ipinapaliwanag din na ang vaccination na magaganap ay para magkaroon ng tinatawag na herd immunity at maprotektahan ang lahat ng Bayambangueño sa pandemyang ating kinakaharap.

Arrow
Arrow
Slider