Resbakuna: Bayambang, Handang-handa Na!

Isang simulation activity ang ginanap ng Lokal na Pamahalaan sa Pugo Evacuation Center noong March 25 bilang paghahanda sa pagbabakuna sa mga health workers kontra COVID-19.

Dumalo si Mayor Cezar Quiambao, Vice Mayor Raul Sabangan, at mga Municipal Councilors na siyang tumayo bilang mga babakunahan upang ipakita sa taumbayan na ligtas ang bakuna at hikayatin ang mga Bayambangueño na tanggapin ang COVID-19 vaccine kapag dumating ito.

Nakatakdang bakunahan ang mga health workers ng Bayambang sa March 29.

Panoorin natin ang mga kaganapan sa Simulation Activity para sa COVID-19 Vaccination Program.