Bagong Tanggapan ng POSO, Binasbasan

Noong ika 8 ng Abril, ganap na alas otso medya ng umaga, nagdaos ng misa sa bagong tanggapan ng Public Order and Safety Office (POSO) sa ikalawang palapag ng Municipal Legislative Building para sa pagbabasbas ng naturang opisina.

Sa pangunguna ni POSO Chief, Col. Leonardo F. Solomon, nagtipon-tipon ang ilang empleyado ng departamento upang makiisa sa nasabing pagbabasbas na pinangunahan ni Fr. Reydentor Mejia ng parokya ng San Vicente Ferrer.

Nagpapasalamat ang buong departamento sa ating butihing Mayor, Dr. Cezar T. Quiambao, sa ipinagkaloob niyang bagong opisina.

Arrow
Arrow
Slider