ICTO Creates Electronic Vaccination System

Isang Electronic Vaccination System ang ginawa ng ICT Office upang maging automatic ang pag-manage sa COVID-19 vaccination data. Sa pamamagitan ng inobasyong ito, mas napapabilis ang paghanap ng mga record ng mga nagpabakuna at mas madaling nalalaman kung qualified sila para sa second dose. Nakatakdang bumili ang LGU ng mga tablet upang pati ang screening at consent ay maging paperless na rin. Ang proyektong ito ay naaayon sa vision ni Mayor Quiambao at ng buong LGU na maging isang smart town ang Bayambang, kung saan mas mabilis, paperless, at data-driven ang mga proseso.