Barangay Secretaries’ Training on Records Management and Basic Computer Literacy

Sabay-sabay na natuto ng mga makabagong kaalaman ang 77 na Barangay Secretary ng Bayambang, sa ginanap na “Training on Records Management and Basic Computer Literacy” hatid ng Bayambang Municipal Association of Non-Government Organizations o MANGO noong April 29 sa Royal Mall. Kaagapay dito ng MANGO ang LGU Bayambang, Municipal Local Government Operations Office, at Kasama Kita sa Barangay Foundation, Inc. Sa mga natutunang makabagong kaalaman, inaasahang magiging mas maayos na ang mga records sa barangay gamit ang teknolohiya at mas mapapabilis ang paghatid ng mga essential services sa mga kabarangay.

Arrow
Arrow
Slider