Bagong Livelihood Project , Ikinasa para sa mga Dating Milking Carabao Beneficiaries ng DSWD-SLP

Noong July 13, dumating ang director ng Philippine Carabao Center na si Vilma Gagni upang bilhin ang mga pinalaking gatasang kalabaw ng mga benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program ng DSWD na miyembro ng Tilapia Growers Association sa Brgy. Manambong Sur at gamitin ang bayad upang gawing pambili ng panibagong livelihood project.

May pitong benepisyaryo ang tumanggap ng naturang bayad sa MSWDO. Naroon din ang BPRAT, ang Project Development Officer ng DSWD Regional Field Office 1 na si Roger Jimenez, at mga kasamahan na Municipal Links na siyang unang nangasiwa sa naturang milking carabao project.

Arrow
Arrow
Slider