Cadre Site, Pinakaunang Barangay na Ginawaran ng Safety Seal

Ngayong araw, July 15, ginawaran ang Brgy. Cadre Site ng kauna-unahang Safety Seal para sa isang barangay sa bayan ng Bayambang.

Ang Inspection Team ay binubuo nina Municipal Local Goverment Operations Officer Royolita Rosario, Acting Municipal Fire Marshall, SFO3 Randy Fabro, at Bayambang Municipal Police Station OIC Chief, PLtCol Andres Calaowa Jr.

Kanilang binusisi kung sumusunod ang naturang barangay LGU sa mga minimum public health protocol bilang pagpapaigting ng laban kontra COVID-19.

Ang Safety Seal Certification ay isang programa ng national government na nanghihikayat sa lahat ng public offices at private establishments na magdisplay ng government-approved Safety Seal bilang tanda na ang mga ito ay compliant pagdating sa COVID-19 prevention practices ayon sa checklist na inilabas ng IATF.

Arrow
Arrow
Slider