Dalagitang may Intra-Nasal Mass, Sinaklolohan ng MAC

Noong June 18, naging daan ang Mayor’s Action Center (MAC) upang matulungan na magpa-opera ang isang dalagita na mayroong bukol sa loob ng ilong na si Darlene Bless Perez na taga-Brgy. Telbang.

Naging matagumpay ang operasyon nito sa East Avenue Medical Center, kaya’t taos-pusong nagpapasalamat ang dalagita at ang kanyang magulang sapagkat wala silang binayaran sa ospital. Ito ay dahil sa pinagsama-samang tulong nina Congresswoman Rose Marie ‘Baby’ Arenas, Mayor Cezar Quiambao, Kasama Kita sa Barangay Foundation Inc. COO Romyl Junio, ang Heart Center na gumawa ng referral sa pasyente, at ang MAC sa pamumuno G. Jocelyn Espejo.

Muli namang pinapaalalahanan ang mga indigent constituents na nangangailangan ng tulong na huwag mag-atubiling lumapit sa tanggapan ng MAC dahil prayoridad nito ang kapakanan ng mga Bayambangueño na nasa nasabing sektor. Magpakita lamang ng mga kinakaukulang dokumento gaya ng Certificate of Indigency mula sa barangay.

Arrow
Arrow
Slider