Serbisyo ng Munisipyo, Bumugso sa Brgy. Sanlibo

Patuloy ang pagtanggap ng mga Bayambangueño ng iba’t ibang serbisyo ng lokal na pamahalaan sa paglalapit sa kanila ng mga ito sa pamamagitan ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan (KSB) Year IV. Sa pangunguna ni KSB Chairperson RHU II Rural Health Physician, Dr. Adrienne Estrada, ang panglabing-dalawang edisyon na ito ng KSB ay ginanap sa Sanlibo Covered Court noong July 16, at pinaglingkuran ang mga karatig-barangay ng Idong, Inanlorenza at Sanlibo.

Kabilang sa mga dumating ay sina Vice-Mayor Raul S. Sabangan, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Councilor Amory Junio, Councilor Mylvin ‘Boying’ Junio, Councilor Gerardo Flores, Councilor Benjamin de Vera, Councilor Philip Dumalanta, Councilor Levinson Nessus Uy, at Councilor Joseph Vincent Ramos, at KKSBFI Managing Director Romyl Junio. Naroon sina Idong Punong Barangay (PB) Romeo Andalis, Inanlorenza PB Orlando Yumi, at ang iba’t-ibang department heads.

“Sana magpatuloy nang walang hanggan ang programang ito para sa mga mamamayan ng Bayambang,” masayang sambit ni Sanlibo Barangay Kagawad Helen Austria, hatid ang mensahe ni Sanlibo PB Luzviminda Tamondong. “Lubos kaming nagpapasalamat at malugod na tinatanggap ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan at ilang opisyal ng Barangay Idong at Inanlorenza,” aniya.

Sa mensahe ni Mayor Quiambao gamit ang video, sinabi niyang ang buong LGU ay nilalapit sa bara-barangay upang maghatid ng serbisyong medikal, dental, at marami pang iba mula sa lahat ng mga departamento.

Pinaalalahanan ni Mayor Quiambao ang mga residente na huwag magpakampante sa panahon ngayon. Kailangan pa rin aniyang sundin ang minimum health protocols, at kailangang magpabakuna upang ang lahat ay maka-iwas sa sakit na COVID-19.

Sa kanyang talumpati, ipinaalala ni Vice-Mayor Raul Sabangan na ang KSB ay ang katuparan ng naipangako ng Team Quiambao-Sabangan noong eleksiyon na dalhin ang Munisipyo sa mga malalayong barangay upang ang mga tao rito ay huwag nang magpunta pa at makipagsiksikan sa bayan.

Pangwakas naman na mensahe ni Counilor Gerardo Flores, “Say nibagak labat kumon, aga nabalang so panangaro tan suporta ed saray programa mi piyano aga napultot so ulupan tan mankakasakey tayo ed progreso’y baley tayo.’’

Labis naman ang tuwa ng mga mamamayan ng Sanlibo, Idong, Inanlorenza, sapagkat si Mayora Niña Quiambao ay nagpaabot ng surpresa sa pamamagitan ng grocery package at bigas para sa mga nagpuntang residente.

Arrow
Arrow
Slider