Social Pension para sa mga Indigent Senior Citizens, Ipinamahagi

Ipinamahagi ang social pension sa mga indigent senior citizens sa iba’t ibang barangay simula Hulyo 13 hanggang 16. Sa panguguna ng Department of Social Welfare and Development Office Field Office 1 (DSWD –  FO1), kasama ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), nabigyan ang 3,391 indigent senior citizens ng social pension para sa unang semestre na nagkakahalaga ng P3,000.

Nagtungo ang mga kawani at kinatawan ng mga nasabing opisina sa bawat barangay upang ipamahagi ang pensiyon. Ito ay inaasahan na makatutulong sa kanila sa panggastos sa araw-araw.

Arrow
Arrow
Slider