CDWs, Tumanggap ng Incentives

Sa buwanang pagtitipon ng mga Child Daycare Workers (CDW) na inorganisa ng MSWDO sa Events Center noong June 3, pinag-usapan ang akreditasyon ng mga Child Development Centers (CDCs), ang nalalapit na pagsasanay ng mga CDWs, ang implementasyon ng Early Childhood Care and Development-Information System (ECCD-IS), at ang recognition rites na magaganap sa July 10. Pagkatapos ng pagpupulong, muling nakatanggap ang mga CDWs ng quarterly cash incentives. At sa inisyatibo ni Mayor Cezar Quiambao, nadoble ang kanilang incentives. Mula P1,000, ito ay ginawang P2,000.

Arrow
Arrow
Slider