MAO, tuloy sa paglingkod sa mga magsasaka

Ipinamahagi ng Municipal Agriculture Office noong Oktubre 5, 2021 ang corn seeds assistance na nagmula sa Department of Agriculture – Regional Field Office 1.

Ang mga binhi ay ipinamahagi lamang sa mga Registered Clustered Association bilang pagsunod sa guidelines na ibinaba ng DA-RFO1 sa ilalim ng Memorandum Circular No. 26, series of 2020. Kabilang sa mga tumanggap ang:

  1. Bayambang District 7 Cluster Organization
  2. Segundu Distrito Onion and Grains Association
  3. Distrito Quatro Cluster Organization
  4. Abanteam Distrito Otso Cluster Organization

 

Para naman masiguro na tuluy-tuloy ang epekto ng programa sa mga organisasyon ay magbabayad lamang ng 50% ng presyo ng kanilang tinanggap na binhi ang mga magsasakang benepisyaryo sa kani-kanilang organisasyon. Ang bayad ay gagawin nilang pondo para sa susunod na pagtatanim ng kanilang mga myembro.

Arrow
Arrow
Slider