148 Blood Bags, Nakolekta sa Huling Blood Drive ng Taon

148 Blood Bags, Naipon sa Huling Blood Drive ng Taon

 

Bago pa man matapos ang taong 2021, sa huling pagkakataon ay nagsagawa ang RHU 1 at 3 ng isang Blood Donation Drive, kung saan umabot sa 148 na bags ng dugo ang nalikom ng RHU na siyang dadalhin sa Region 1 Medical Center.

 

Ito ay ginanap noong December 21 sa Balon Bayambang Events Center.

Palapit man ang holiday season, hindi nagdalawang isip ang mga Bayambangueño na maituturing na bayani dahil sa pagtulong nila sa pagsalba ng buhay ng ibang tao sa pamamagitan ng kanilang pag-aalay ng dugo para sa nangangailangan.

Bilang tanda ng pasasalamat sa mga bagong bayani, nakatanggap ang lahat ng donor ng isang T-shirt mula sa Kasama Kita sa Barangay Foundation Inc. at grocery package mula naman sa Local Council of Women sa ilalim ni Mayora Niña Jose-Quiambao.

Naroon din ang mga miyembro ng Rotary Club of Bayambang sa pamumuno ni Coun. Benjie De Vera upang mag-asiste sa mga nagdonate.

Ang huling blood drive ng taon ay may tema pa rin na “Dugong Alay, Tulong na Bukal, Mga Bagong Bayani sa Bagong Normal.”

 

Arrow
Arrow
Slider