Anti-Illegal Drugs Awareness Program

Isang Anti-Illegal Drugs Awareness Program ang isinagawa ng Municipal Anti-Drug Abuse Council sa Balon Bayambang Events Center noong December 29, sa pag-oorganisa ng DILG at sa tulong ng PNP, RHU 1 at Kasama Kita sa Barangay Foundation para sa halos 600 drug reformists. Ipinaala sa mga reformists ang kanilang mga nararapat gawin para sa tuluy-tuloy na pagbabagong-buhay. Sa event na ito ay nagkaroon din ng vaccination activity kontra COVID-19, free medical and dental checkup, at pamamahagi ng grocery package mula kay Mayora Niña Jose-Quiambao.

Arrow
Arrow
Slider