MANGOs Gift-Giving Activity

Noon mismong araw ng Pasko, nagsagawa ang Bayambang Municipal Association of NGOs ng isang Community Christmas Gift Giving activity para sa mga senior citizens na PWD. Ito ay dahil sa kagustuhan ng MANGOs, isang pribadong pederasyon, na mapasaya ang kanilang kababayan tuwing Pasko kahit sa munting paraan na kanilang nakayanan. Kasama ng MANGOs ang Xtreme Riders na siyang naghanap ng mga beneficiaries ng kanilang asosasyon ngayong taon. Ang MANGOs ay nagpapasalamat sa mga naging donor at partners kabilang na ang mga member associations nito.

Arrow
Arrow
Slider