Pre-Bid Conference for PRDP Project

Isang Pre-Bidding Conference para sa proyektong “Improvement of San Gabriel II Farm to Market Road with Bridge” ang inorganisa ng Bids and Awards Committee sa ilalim ng World Bank Harmonized Procurement Chairperson nito na si ICT Officer Ricky Bulalakaw noong January 4 sa Balon Bayambang Events Center.

Ito ay dinaluhan ng mga prospective bidders mula sa Pangasinan at iba pang lugar upang magkaroon ng ideya ang mga bidders ukol sa mga teknikal na aspeto ng proyekto at personal na makapagtanong para sa clarifications. Naroon ang mga miyembro ng Implementing Unit ng proyekto at mga observers mula sa Philippine Rural Development Project ng Department of Agriculture.

Arrow
Arrow
Slider