Senior Citizens Federation, Tinanggap ang P2M na Tulong ni Mayor Quiambao

Sa Year-End Assessment program ng Federation of Senior Citizens Association of the Philippines- Bayambang Chapter (FSCAB) at Office of the Senior Citizen’s Affairs (OSCA) noong December 28 sa Events Center, tinupad ni Mayor Cezar Quiambao ang kanyang ipinangakong donasyon na P2M bilang tulong sa mga namayapang senior citizen na rehistradong miyembro ng pederasyon. Ang mga tseke ay malugod na tinanggap ng mga opisyales ng pederasyon na si Pres. Benigno de Vera at OSCA Chairman Eligio Veloria. Naroon din siyempre sina Mayora Niña Jose Quiambao, Vice-Mayor Raul Sabangan at iba pang bisitang opisyal upang ipakita ang kanilang pagpapahalaga sa naturang sektor sa kanilang papel sa progreso ng ating bayan.

Arrow
Arrow
Slider