Sa ikalawang quarter ng taon, pinangunahan ni Municipal Administrator, Atty. Raymundo Bautista Jr., na siya ring tumatayong Municipal Advisory Committee (MAC) Alternate Chairman, ang Municipal Advisory Committee Meeting, sa pag-oorganisa ng Department of Social Welfare and Development-Regional Field Office I (DSWD-RFO I) Municipal Links at Municipal Social Welfare and Development Office.
Ang pagpupulong ay ginanap sa Events Center at dinaluhan ng lahat ng departamento ng LGU, mga national agencies, at NGOs, kabilang ang religious sector. Dito ay tinalakay ang kalagayan ng mga mahihirap na mamamayan sa bayan, partikular na ang mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng DSWD.
Sa pagpupulong, iminungkahi ni Atty. Bautista sa DSWD na makipagcollaborate sa LGU pagdating sa pag-access sa ating Restructured Community-Based Monitoring System upang magkaroon aniya ng magandang basehan ang datos ng mga miyembro ng 4Ps. Pinakaimportante aniya ang tamang datos dahil dito mas mabilis na matutugunan ang mga pangangailangan ng mga miyembro, at ito na rin ang kasagutan kung papaano mapagtatagumpayan ang Rebolusyon Laban sa Kahirapan ng ating bayan.
Sa MAC Meeting ay dito ina-update ng bawat departamento ang lahat patungkol sa kanilang mga ginagawa kaugnay ng mga 4Ps at mga proyektong nakapaloob sa Sustainable Livelihod Program.