ABONO Partylist, Maghahatid ng Ayudang Pangtrabaho sa Bayan ng Bayambang

 

Dahil sa magandang ugnayan ni Mayor Cezar Quiambao sa ABONO Partylist, muling ginanap ang profiling activity para sa Tulong Pangkabuhayan para sa Ating Displaced Workers o TUPAD Program ng DOLE, sa pag-oorganisa ng Public Employment Services Office at Bayambang Poverty Reduction Action Team. May 1,290 na benepisyaryo mula sa 77 barangays ang kinunan ng datos sa Brgy. Alinggan Covered Court.

 

Sa pagkakataong ito, ang pondo ng TUPAD ay manggagaling sa opisina ni ABONO Partylist Cong. Conrado Estrella III, na nirepresenta sa profiling activity ni Board Member Vici Ventanilla.

 

Ang listahan ng mga benepisyaryo ay galing sa mga barangay officials, na siyang nagsumite ng mga pangalan ng mga nawalan ng trabaho noong kasagsagan ng pandemya sa taong 2020

 

Arrow
Arrow
Slider