DILG R1 Assessment Team, Dumating para sa SGLG

Naging abala ang lahat ng pinuno ng LGU at at national line agencies (PNP, BFP, DepEp) sa pagdating ng Regional Assessment Team ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Regional Office 1 (San Fernando City, La Union). Ang evaluation team ay pinamunuan ni Local Government Operations Officer (LGOO) Rogelio Quitola, kasama sina LGOO Arianne Peralta, at CSO partner na si Ptr. Dante Serios at mga kasamahan nitong chaplains ng iba’t ibang religious groups.

 

Kasama rin sa mga bumisita ang Provincial Director ng DILG Pangasinan na si Dir. Paulino Lalata.

Ang mga panauhin ay inilibot ni MLGOO Royolita Rosario kasama ang ilang concerned department heads sa lahat ng pampublikong pasilidad ng bayan upang mag-inspeksiyon. Kinalaunan, sila ay dinala sa Balon Bayambang Events Center para suriin naman ang mga kinakaukulang dokumento na nagpapatunay ng reponsable at masinop na pamamahala.

 

Ipinaliwanag ni Quitola na, para sa taong 2022, muling nag-scale up ang panuntunan ng SGLG, at mayroong sampung areas under evaluation, kabilang ang tatlong bagong areas ng Youth Development, Health Compliance and Responsiveness, at Sustainable Education. Ang mga dating areas of evaluation ay Financial Administration and Sustainability; Disaster Preparedness; Business-Friendliness and Competitiveness; Environmental Management Protection; Social Protection and Sensitivity; Safety, Peace and Order; at Tourism, Heritage Development, and Culture and Arts.

 

Sa kanyang talumpati sa exit conference pagkatapos ng evaluation, pinuri ni Dir. Lalata ang LGU-Bayambang sa dami ng proyekto nito upang pagsilbihan ang taumbayan.

 

Nagpasalamat naman si Mayor Cezar Quiambao sa lahat ng pinuno ng bayan sa aniya’y nakikita niyang “passion in what you are doing.”

Sagot naman ni Municipal Administrator, Atty. Raymundo Bautista Jr.: “Ito ay dahil ang aming lider ay isang influencer sa aming lahat.”

 

Arrow
Arrow
Slider