Dalawang Centenarian, Tumanggap ng P100,000 Cash Gift

Dalawang Centenarian, Tumanggap ng P100,000 Cash Gift

 

Nakatanggap mula sa Office of the President ang dalawang centenarian mula sa Bayambang ng Centenarian Gift noong ika-17 ng Hunyo 2022. Sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development Field Office I (DSWD-FO1) at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), ang mga nakatanggap ng nasabing cash gift na nagkakahalaga ng P100,000 ay mula sa Barangay Caturay at Manambong Parte.

 

Ang centenarian na taga-Caturay ay pumanaw na sa edad na 104 anyos noong ika-18 ng Enero 2022, ganoon din ang centenarian mula sa Manambong Parte na pumanaw noong ika-21 ng Abril 2021 sa edad na 100 anyos. Kaya naman isa sa kanilang kapamilya ang kumuha ng cash gift sa kanilang ngalan. Iniabot ng kawani mula sa DSWD FO 1 ang nasabing cash gift sa opisina ng MSWDO.

 

Ayon sa Republic Act 10868 o mas kilala sa tawag na Centenarians Act of 2016, lahat ng Pilipino na aabot sa edad na 100 ay makakatanggap ng centenarian gift na nagkakahalaga ng P100,000.

 

Mayroong tatlo pang benepisyaryo ang dadaan sa validation process para makatanggap din ng nasabing cash gift.

 

Arrow
Arrow
Slider