DSWD-CAR, Nagbenchmarking ukol sa SLP Implementation ng LGU-Bayambang

Noong ika-14 ng Hunyo, bumisita ang mga officials ng DSWD Field Office ng Cordillera Administrative Region upang pag-aralan ang mga istratehiya para sa matagumpay na implementasyon ng iba’t-ibang Sustainable Livelihood Program (SLP) ng DWD dito sa Bayambang.

 

Ang delegasyon ay winelcome ni Mayor Cezar Quiambao, kasama ang MSWDO sa pangunguna ni Kimberly Basco, DSWD Bayambang SLP team, Consultant on Livelihood Artemio Buezon, Bani Delicious Ice Cream SLP Association, at ang Bayambang Poverty Reduction Action Team sa pangunguna ni Dr. Rafael Saygo.

 

Nilinaw ni Mayor Quiambao na ang implementasyon ng SLP sa Bayambang ay hindi perpekto sapagkat skaramihan sa SLPAs ay non-operational at inactive. Subalit hindi tumitigil aniya ang LGU sa pamamagitan ng BPRAT na magpatuloy sa pagbibigay ng suporta gaya ng financial assistance (grants, incentives), capacity building (workshops, seminars, benchmarking), marketing (provision of booths and stalls, online promotion, linkages with buyers), collaboration/convergence/partnerships (tapping of NGOs/CSOs and national agencies), at higit sa lahat ang pagbuhay muli sa mga SLPs na nagsara.

 

Sa pagtatapos ng kanilang benchmarking activity, binisita nila ang Bani Delicious Ice Cream SLPA production area sa Barangay Bani upang malaman ang proseso ng paggawa ng masarap na sorbetes. Napahanga din sila nang masilayan ang Saint Vincent Ferrer Prayer Park.

 

 

 

Arrow
Arrow
Slider