Iba’t-Ibang Departamento, Naka-alerto Matapos ang Lindol

Iba’t-Ibang Departamento at Ahensya, Umaksyon Matapos ang Lindol

 

Kaagad na umaksyon ang iba’t-ibang departamento at ahensya ng gobyerno matapos ang manitude 7.3 na lindol na naranasan kahapon. Nagtulung-tulong ang MDRRMO, Engineering, BFP, PNP at POSO upang malaman ang estado ng ating mga kababayan at kung anu-anong damages ang maaaring naidulot ng lindol. Sa pag-inspeksyon ng Engineering Office ay mga minor cracks lamang ang nakita sa mga istruktura.

 

Kaagad namang nirepair ng POSO ang mga CCTV camera na nagshutdown dahil sa pagyanig. Kanila ring binantayan ang mga motorista sa daan upang maiwasan ang aberya.

 

Ayon sa panayam ng Public Information Office kay MDRRM Officer Genevieve Benebe, “Based on MDRRM monitoring in our Bayambang Dist. 1 and 2 public schools, no damage has been reported. Reports have been collated from school DRRM Coordinators of Bayambang 1 and the PSDS of Bayambang 2.”

 

“Furthermore, some schools with activities and students in their campus exercised the proper evacuation protocol.”

“Sa sistemang online monitoring and reporting system na isinaayos ng MDRRMO tuwing may NSED, naging mabilis ang pagmonitor ng MDRRM responders sa mga public schools.”

 

“Mabilis ding nakapagbigay ng mga reports on their action taken ang mga schools gaya ng pag-duck, cover and hold and evacuate calmly ng mga students. Mabilis ding nakapagreport ang mga schools of no damages sa kanilang mga facilities. May ilan na nagreport ng mini- incidents sa kanilang lugar.”

 

“In addition, the same monitoring system was done with the 77 barangays. No damages have been reported then, so no validation is needed to be done. Salamat sa Diyos.”

 

Arrow
Arrow
Slider