Mayor Niña, Nagpatawag ng Meeting Ukol sa Rape Cases

Mayor Niña, Nagpatawag ng Pulong Ukol sa Rape Cases

Ang pangangalaga ng karapatan ng kababaihan at kabataan ay isa sa adbokasiya ni Mayora Niña Jose-Quiambao kaya naman siya ay agad na nakipagpulong sa Bayambang Municipal Police Station matapos mapag-alaman ang tumataas na bilang ng kaso ng rape sa bayan.

Ginanap ang pagpupulong sa Mayor’s Conference Room noong July 28, 2022 kasama sina MLGOO Royolita Rosario, Liga ng mga Barangay President Rodelito Bautista, at Sangguniang Kabataan Federation President, Gabriel Fernandez.

Doon pinag-usapan ang mga programa na maaaring ipatupad upang hindi na tumaas ang kaso nito sa Bayambang at mga paraan pa kung paano mapapaigting ang pangangalaga sa kaligtasan ng bawat Bayambangueño.

 

Arrow
Arrow
Slider