Bagong Fire Station, Pinasinayaan

Bagong BFP Fire Station, Pinasinayaan

Isa na namang kasaysayan ang nagmarka ngayong araw, ika-3 ng Agosto, dahil pinasinayaan na ang bagong Bayambang Fire Station ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Bayambang-Basista Rd., Zone VI. (katabi ng Municipal Bonery at katapat ng simbahang lokal ng Iglesia ni Kristo).

Ang two-storey building na ito ay itinayo sa lupang donasyon ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang sa pamumuno ng dating Mayor na si Dr. Cezar T. Quiambao.

Matatandaang nagkaroon ng groundbreaking ceremony rito noong ika-14 ng Abril ng nakaraang taon, at sa loob lamang ng ilang buwan, ang dating bisyon lamang ay ngayon ay naisabuhay na.

“This structure is very significant in that it serves as a most comfortable workplace to boost the morale of the fire marshals,” ani Acting Provincial Fire Marshal CInsp Bryan Pocyao sa kaniyang pambungad na pananalita.

Kung matatandaan, ang bagong tahanang ito ng mga fire marshals ay malayung-malayo ang itsura sa dati nilang inokupahang gusali.

Inimbitahan siyempre bilang panauhing pandangal si Mayora Niña Jose-Quiambao at Dr. Cezar Quiambao na nirepresenta ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad. Naroon din sa programa sina PNP-Bayambang Chief of Police, PLtCol Jim F. Helario; Acting Municipal Fire Marshal, SFO4 Randy Fabro; Public Order and Safety Officer, Ret. Col. Leonardo Solomon; at DILG-Municipal Local Government Operations Officer Royolita Rosario.

Labis na nagpapasalamat si BFP Regional Director CSupt. Rizza Simbajon kasama ng Bayambang BFP officials at fire marshals sa buong LGU-Bayambang sa donasyong lote na napagtayuan ng bagong Fire Station.

“Dahil maganda ang ating fire station, sigurado akong maganda rin ang ating serbisyo,” sambit niya.

 

Arrow
Arrow
Slider