Organic Farming NGO delegates mula pa sa South at Southeast Asian countries

Organic Farming NGO, Bumisita sa Isang Trial Farm sa Warding

 

Malugod na pinaunlakan ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang request ng isang NGO na organic farming advocate, ang Magsasaka at Siyentipiko para sa Pag-unlad ng Agrikultura Inc. (MASIPAG), na bumisita sa trial organic farm ng ilang miyembro nila sa Bayambang, upang ipakita ang suporta nito sa organikong pagsasaka.

 

Kasama ang BPRAT at MAO, ang mga bisita, kabilang ang mga delegado mula pa sa South at Southeast Asian countries, ay nagtungo sa Barangay Warding kanina upang matunghayan ang trial farm doon ng mga makabagong linya o breed ng organikong palay. Ayon kay OIC Municipal Agriculturist Zyra Orpiano, kanilang inobserbahan ang potential nito na mamaintain at masustain ang ganitong klaseng farm.

 

Sa pagbisitang ito, nagkaroon din ng exchange ng iba’t-ibang organikong buto na dala ng mga delegado upang maparami rito.

 

Arrow
Arrow
Slider