Ambayat 1st, Bayambang’s Cleanest Barangay for July

Ambayat 1st, Bayambang’s Cleanest Barangay for July

Sa dulo ng Monday flag-raising ceremony noong August 8 sa Balon Bayambang Events Center, pormal na inanunsyo ni MENRO Joseph Anthony F. Quinto ang kauna-unahang nanalo sa patimpalak na ‘Bali-balin Bayambang’ ni Mayora Niña para sa mga barangay na may pinakamalinis na komunidad.

Sa mga barangay na minonitor ng Ecological Solid Waste and Management Office, tatlo ang napiling qualified para sa buwan ng Hulyo at itinanghal na 2nd runner-up ang Barangay Hermoza, 1st runner-up naman ang Barangay Tococ East, at ang unang nakasungkit ng titulong Cleanest Barangay ay ang Barangay Ambayat 1st at gaya ng naipangako ni Mayora Niña, ang barangay ay nakatanggap ng P15,000 cash.

Mensahe si Ambayat 1st Punong Barangay Genaro M. Lamo, “Hindi lamang dahil may premyo kaya namin ito ginagawa. Sa katunayan, matagal na naming iniimplementa ang ganitong programa sa aming barangay sapagkat ito’y isang batas na dapat sundin ng sinuman. Sana maging inspirasyon sa lahat na ugaliing malinis ang bawat kapaligiran.”

 

Arrow
Arrow
Slider