E.O. No. 40 Values Formation Program para sa LGU Employees

EO No 40, s 2022 Values Formation Program para sa LGU Employees

Wika nga ng isang patalastas sa TV, “Para kanino ka bumabangon?”

Kailangang malinaw sa isang kawani ng gobyerno ang kasagutan sa katanungan, kaya’t minarapat ni Mayor Niña Jose-Quiambao na maglabas ng isang bagong Executive Order na tututok sa isyung ito.

Ayon sa EO No. 40, mahalagang malaman ng isang kawani ng LGU ang hierarchy of values na isinusulong ng batas na nakaugat sa tradisyunal na kultura ng mga Pilipino, partikular na ang pagiging maka-Diyos, makatao, makabayan, at makakalikasan.

Naging basehan ng EO ang Local Government Code of 1991, ang Declaration of Principles and State Policies ng Constitution, ang Moral Recovery Program ng gobyerno, DILG Memorandum Circular No. 2011-58, at Civil Service Institute policy.

Kung malinaw sa isang empleyado ng gobyerno na ito ay nahirang upang maging isang lingkod-bayan, hindi dapat maging mahirap ang pumasok at magbigay-serbisyo sa araw-araw ng buong puso.

 

Arrow
Arrow
Slider