EO No. 39 POSO-Bayambang, Tatawagin nang BPSO

EO No. 39, s. 2022: POSO-Bayambang, Tatawagin nang BPSO

Naglabas si Mayor Niña Jose-Quiambao ng isa pang bagong Executive Order, at ito ay upang baguhin ang imahe ng Public Order and Safety Office. Mula ngayon, ang naturang tanggapan ay tatawagin nang Bayambang Public Safety Office, ayon sa Executive Number 39, series of 2022. Alinsunod sa EO, mas palalakasin pa ang departamentong ito dahil sa kahalagahan nito bilang force multiplier ng PNP sa law enforcement at pagpapanatili ng peace and order sa bayan ng Bayambang.

Ang orihinal na POSO-Bayambang ay itinatag ni former Mayor Cezar T. Quiambao sa bisa ng E.O. No. 3, s. 2016.

 

Arrow
Arrow
Slider