Executive Order No 38 Bawal ang nakasimangot sa munisipyo

EO No. 38, s. 2022: “Serve with a Smile”

Bawal ang nakasimangot kung ikaw ay empleyado ng Munisipyo ng Bayambang.

Sa bisa ng Executive Order No. 38 na inilabas ni Mayor Niña Jose-Quiambao, ang lahat ng kawani ng LGU-Bayambang ay inaatasan na hindi lamang maglingkod ng tapat, kundi magkaroon din ng maaliwalas na pakikitungo sa taumbayan.

Kung suplado o suplada ang isang kawani, ito ay nagdudulot ng hindi magandang impresyon sa buong LGU, kabilang na ang Mayor, Vice-Mayor, at buong Sangguniang Bayan. Kaya’t ang lahat sa LGU ay inaasahang maging kalmado sa lahat ng oras at ngumiti ng mula sa kaibuturan ng puso kapag may ka-transaksyong kliyente, kahit ang kawani ay maraming trabaho, sira ang araw, masama ang gising, o kahit pa masungit ang ka-transaksyon. Mayaman man o mahirap ang kliyente, dapat ay pantay-pantay din ang trato ng mga kawani.

Nakabase ang naturang Executive Order sa iba’t-ibang batas pambansa, kabilang na ang RA 7160 o Local Government Code of 1991, RA 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, at Section 11 ng Declaration of Principles and State Policies.

Naaayon din ang bagong “Service with a Smile” policy sa “Total Quality Service” policy ng Team Quiambao-Sabangan.

 

Arrow
Arrow
Slider