LYDO, Ipinagdiwang ang International Youth Day

LYDO, Ipinagdiwang ang International Youth Day sa Isang Short Film-Making Contest

Ngayong Agosto 11, sa pangunguna ng Local Youth Development Office kasama ang DILG at National Youth Commission, ipinagdiwang ang International Youth Day sa pamamagitan ng isang Short Film-Making Contest sa Balon Bayambang Events Center.

Ayon kay Local Youth Development Officer Johnson Abalos, ang tema sa taong ito ay “Intergenerational Solidarity: Creating the World for All Ages.”

Sa kaniyang mensahe, sinabi ni SK Federation President Gabriel Tristan P. Fernandez, “Gamitin ninyo ang inyong kakayahan upang magtagumpay kayo sa hinaharap.”

Ang short film na may titulong ‘Para sa Lahat’ na gawa nina John Darryl Malicdem at Jovian Dean Malicdem ang nangibabaw sa tatlong lumahok sa patimpalak. Sila ay nakatanggap ng plaque of recognition at cash prize na P10, 000.

Naging hurado sa patimpalak sina BPRAT graphic designer Michael Olalia, film writer/director Adrian Adan, at ang internationally multi-awarded independent filmmaker/director na si Christopher Gozum.

 

Arrow
Arrow
Slider