MESO, Sinagip ang Isang Bayambangueña OFW

MESO, Sinagip ang isang Bayambangueña OFW

Isa na namang OFW ang nagtungo sa opisina ng Municipal Employment Services Office (MESO) upang magpasalamat matapos itong matulungang makauwi noong July 30, 2022.

Ang OFW ay isang 24 taong gulang na babae mula sa Barangay San Vicente. Siya ay isang domestic worker galing Riyadh, Saudi Arabia at nagdesisyong umuwi matapos nitong makaranas ng sexual harassment mula sa kanyang among lalaki.

Sina OIC Municipal Employment Services Officer Joseph Anthony Quinto at mga staff nito, katuwang si Mayora Niña Jose-Quiambao, Philippine Overseas Labor Office, at OWWA Region I, ang nagproseso ng papeles nito upang agarang makauwi ang kababayang Bayambangueña.

Nirefer din ng MESO ang OFW sa MSWDO para sa mga posibleng ayuda para sa isang distressed worker na tulad niya.

 

Arrow
Arrow
Slider