Pre-ELA Workshop, Ginanap

Pre-ELA Workshop, Ginanap

Ginanap ang tatlong araw na Pre-Executive-Legislative Agenda Workshop para sa lahat ng newly elected officials kasama ang lahat ng department at unit heads, mga hepe ng attached national agencies, at CSO representative noong August 8 hanggang 10 sa Balon Bayambang Events Center.

Sa “Newly-Elected Officials (NEO) Program: Creating a Roadmap for LGU Development and Formulation of the ELA-CapDev (2023-2025),” naging resource speaker sina LGOO VI Marilou DP. Ortiz, EnP, LGOO VI Gina C. Eslera, at LGOO VII Melinda Buada at sila ay nagbigay ng technical assistance sa pagbuo ng mga plano ng Munisipyo na nakapaloob sa mga sumusunod na sektor: 1) Social, 2) Economic, 3) Infrastructure, 4) Environmental, at 5) Institutional.

Mahalaga ang ELA at Capacity Development Agenda dahil ang mga ito ang magiging gabay ng bawat opisina ng Lokal na Pamahalaan sa pagsasagawa ng mga programa at proyekto na makatutulong sa mga Bayambangueño sa susunod na tatlong taon.

Bilang panauhin, nagpayo si former Mayor at ngayo’y First Gentleman at Special Assistant to the Office of the Mayor, Dr. Cezar T. Quiambao, “Let us be an entrepreneurial LGU.”

Ang workshop ay inorganisa ng MLGOO at MPDO.

 

Arrow
Arrow
Slider