Treasury, Naglunsad ng Tax Info Campaign

Treasury, Naglunsad ng Sariling Tax Info Campaign

“Ask not what your country can do for you; rather, ask what you can do for your country.” Ito ang hamon na binigay ni former US Pres. John F. Kennedy sa kanyang mga nasasakupan, at ito rin ang hamon para sa ating lahat.

Kaya naman nagsagawa ng Tax Information and Education Campaign ang Treasury Office mula August 3 hanggang 11, 2022 sa Barangay Zone I, Zone II, Zone III, Zone IV, Zone V, Zone VI, at Bani, bilang parte ng mas pinaigting na pagbibigay-kaalaman at impormasyon sa mga real property owners tungkol sa real property tax (RPT) o amilyar.

Dito ay ipinaliwanag sa mga taxpayers na ang amilyar ay ang buwis sa lupa, bahay, makinarya, at iba pa at ang batas na sumasaklaw sa nasabing buwis.

Ipinaliwanag din sa mga taxpayers ang kahalagahan ng pagbabayad ng buwis, ang distribusyon ng Basic Tax at Special Education Fund, at ang barangay share na nakukuha sa pagbabayad ng buwis. Ipinabatid sa kanila na sa 1% ng assessed value ng basic RPT, ang 35% nito ay napupunta sa provincial government, 25% sa barangay kung saan matatagpuan ang property, at 40% sa LGU-Bayambang; at ang isa pang 1% ng assessed value ng basic RPT ay napupunta naman sa Special Education Fund (SEF), kung saan ang 50% nito ay para sa Provincial School Board at 50% ay para naman sa Municipal Local School Board.

Tinalakay din kung saan napupunta ang ating buwis at paano tayo nakikinabang sa ating mga ibinabayad na buwis.

Kaya hinihikayat ang bawat isa na magpunta sa tanggapan ng Treasury kung may mga katanungan ukol sa mga karampatang buwis na kailangang bayaran para sa kanilang mga ari-arian. (by Municipal Treasury Office)

 

Arrow
Arrow
Slider