3Q Meeting ng MPOC, MADAC, at MDRRMC, Ginanap

Isang sunud-sunod na pagpupulong para sa 3rd quarter ng taon ang inorganisa ng Municipal Local Government Operations Office (MLGOO) para sa Municipal Peace and Order Council (MPOC), Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC), at Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC) sa Mayor’s Conference Room, kung saan dumalo si Mayor Niña Jose-Quiambao gamit ang Zoom video.

 

Sa pulong, iprinisenta ng MPOC, MADAC, at MDRRMC ang kani-kanilang accomplishments sa 2nd quarter at ang kani-kanilang programs, projects, at activities para sa 3rd at 4th quarter. Kabilang sa mga nagpresenta ang PNP, sa pangunguna ni Deputy Chief, PMaj Mark Tubadeza, at BFP, sa pangunguna ni SFO4 Randy Fabro.

 

Nagbigay din ng updates ang Covid-19 Task Force sa pangunguna ni Municipal Health Officer, Dra. Paz Vallo, gayundin ng updates mula sa Road Clearing Task Force sa pangunguna ni Bayambang Public Safety Officer Chief, Ret. Col. Leonardo Solomon, PA.

Pinangunahan naman ni MLGOO Royolita Rosario ang talakayan ukol sa formulation ng 3-year Peace and Order and Public Safety Plan o POPS Plan para sa mga taong 2023-2025.

 

Isa sa mga naging mainit na usapin ang tungkol sa mga kaso ng rape sa bayan ng Bayambang.

Wika ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, “Wala dapat ni isa mang kaso ng rape sa Bayambang. Walang karapatan ang sinuman na mang-rape ng kapwa anuman ang kasuotan nito o kahit pa man wala.”

 

Ayon sa detalyado ngunit nakakaalarmang report ni PMaj Tubadeza, ang kaso ng rape sa Bayambang ay 5 noong 2018, 11 sa 2019, 10 sa 2020, 11 sa 2021, at 6 as of June 2022. Kabilang sa mga kaso ay kinasasangkutan ng mga kabataang babae na menor de edad, kung saan ang mga perpetrator ay kanila ring kamag-anak.

 

Dahil sa report na ito, agad na nagplano ang MPOC ng mga agarang aksyon upang masawata ang karumal-dumal na krimeng ito.

 

Ang serye ng mga pulong na ito ay dinaluhan din nina Councilor Martin Terrado II at Liga ng mga Barangay President Rodelito Bautista, kasama ang LGU department at unit heads at representante mula sa DepEd at pribadong sektor.

 

Arrow
Arrow
Slider