Pamilya Jose, Nagdonate ng Bisikleta para sa 77 Barangays

Noong September 12, nagbigay ng tuwa sa 77 barangay ng Bayambang ang donasyong walumpung bisikleta mula sa tiyuhin at tiyahin ni Mayor Niña Jose-Quiambao na sina G. Edmund Jose at Gng. Lorenn Jose.

 

Bawat barangay ay nakatakdang makatanggap ng tig-isang bisikleta, at ang sobrang tatlo naman ay iginawad sa tatlong nanalong barangay para sa buwang kasalukuyan sa ilalim ng programang Bali-Balin Bayambang ni Mayor Niña.

 

Mensahe ni G. Jose, “Sana sa maliit na donasyon namin sa Bayambang ay malaking tulong na maging malinis ang inyong mga barangay.”

 

“Ang mga bisikletang ito ay inihahandog namin dahil alam naming malinis ang hangarin ni Mayor Niña sa kanyang pamumuno.”

 

Ang mga naturang bisikleta ay gagamitin ng mga barangay official sa pagmomonitor ng kanilang barangay para masiguro na ang bawat sulok ng mga ito ay malinis at maaliwalas sa paningin.

 

Arrow
Arrow
Slider