Tococ East, Bayambang’s Cleanest Barangay sa Agosto

Noong Setyembre 12, inanunsyo ni MENRO Joseph Anthony Quinto na nagwagi ang Brgy. Tococ East bilang pinakamalinis na barangay para sa buwan ng Agosto sa ilalim ng proyektong “Bali Balin Bayambang” ni Mayor Niña.

 

Sa kaniyang pagtanggap ng cash prize, nagpasalamat si Tococ East Punong Barangay Roy V. Camacho, sabay sabing, “Hindi ito kompetisyon, kundi ito ay obligasyon natin upang makapagbigay tayo ng malinis at maaliwalas na pamayanan para sa ating mga ka-barangay.”

Ang P15,000 cash prize na nakatakdang tanggapin ng nagwagi ay dinagdagan ng P10,000 ng ama ni Mayor Niña na si G. Philip Jose.

 

Sa pagmo-monitor ng Ecological Solid Waste and Management Office, itinanghal namang 1st runner-up ang Brgy. Ambayat 1st at 2nd runner-up naman ang Brgy. Ambayat 2nd.

 

Ang tatlong barangay na napili para sa buwan ng Agosto ay nakatanggap din ng tig-iisang bisikleta na mula naman sa donasyon nina G. Edmund Jose at Gng. Lorenn Jose, ang butihing tiyuhin at tiyahin ni Mayor Niña.

 

Arrow
Arrow
Slider