234 Orally Fit Children, Kinilala

Kitang-kita ang hindi matatawarang ngiti ng bawat chikiting, kasama ang kanilang mga magulang at guro, sa ginanap na Orally Fit Child Awarding (OFC) Ceremony noong February 26, 2024, sa Balon Bayambang Events Center. Ito ay isinagawa sa pagtutulungan ng mga dental care team ng mga RHU at ng MSWDO at Child Development Centers.

Sa kabuuan ay may naitalang 234 na orally fit child mula sa mga CDC sa ginawang pagbisita ng mga dentista ng bayan sa pangunguna ni Dr. Dave Francis Junio at sa tulong ng PDA Pangasinan Chapter at Municipal Health Officer, Dra. Paz Vallo, at siyempre sa suporta ng mga CDC worker.

Samantala, narito ang listahan ng bilang ng mga learners na pinarangalan bilang OFC mula sa walong cluster ng 74 CDCs:

Cluster 1 – 32 OFC

Cluster 2 – 29 OFC

Cluster 3 – 33 OFC

Cluster 4 – 30 OFC

Cluster 5 – 28 OFC

Cluster 6 – 33 OFC

Cluster 7 – 17 OFC

Cluster 8 – 32 OFC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *