“2Gether We Rac”: Rotaract Club of Bayambang’s Zumba for a Cause

Noong June 11, 2023, ang Rotaract Club of Bayambang ay nag-organisa ng isang Zumba for a Cause sa Balon Bayambang Events Center.

Ang “2Gether We Rac, Zumba for a Cause” ay sinalihan ng 276 na participants mula sa iba’t-ibang bayan ng Pangasinan at binisita ng mga District Officer ng Rotaract mula sa iba’t ibang bahagi ng Luzon.

Ang mga bisita ay binati ni Mayor Niña Jose-Quiambao sa pamamagitan ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad.

Ayon sa Presidente ng Rotaract Club of Bayambang na si Michael Louie Iglesias, ang proceeds ng aktibidad ay mapupunta sa End Polio Campaign ng Rotary International at sa mga future project na naka-align sa 7 Areas of Focus ng Rotaract Club of Bayambang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *