May 41 SLP Associations sa Bayambang ang sumailalim sa Business Permit and Licensing Orientation noong Hulyo 17, 2024 bilang tugon sa rekomendasyon ng SLP Technical Working Group at upang makapagcomply ang mga SLPA sa mga itinalagang LGU ordinance kaugnay sa pagnenegosyo.
Ang orientation activity ay pinangunahan ng MSWDO Bayambang sa ilalim ni Ms. Kimberly P. Basco, DSWD – Sustainable Livelihood Program focal persons, at ng Business Permit and Licensing Office na pinamumunuan ni Ms. Veronica Gellido.
14 sa dumalong asosasyon ay kasalukuyan nang nag-ooperate at inaasahan na makakapagrehistro sa buwan ng Agosto 2024. (Jerico Junio/RSO; MSWDO/DSWD)