4Q Local Health Board Meeting, Isinagawa

Nagsagawa ng 4th quarter meeting ang Local Health Board noong  ika-19 ng Disyembre, 2023 sa Mayor’s Conference Room, sa pangunguna ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, bilang kinatawan ni Mayor Niña Jose-Quiambao.

Dito ay nagbigay si ICT Officer Ricky Bulalakaw ng isang oryentasyon ukol sa Cybersecurity Awareness.

Iprinesenta ni MNAO Venus Bueno ang mga naging accomplishment sa larangan ng nutrisyon para sa taong 2023.

Ibinihagi ni Rural Sanitary Inspector Jonathan Florentino ang isang Action Plan for Sustainable Sanitation Requirements.

Tinalakay ni RHU II Physician, Dr. Adrienne A. Estrada, ang Calendar of Activities para sa taong 2024 at nagbigay ng update ukol sa ginagawang X-ray Room sa RHU II.

Nagpresenta naman si Municipal Health Officer, Dr. Paz F. Vallo, ng “Review and Updates on 12 Health Programs.”

Dumalo rin sina Dr. Nicolas O. Miguel, RHU III Physician, Dr. Roland M. Agbuya, MDRRM Officer Genevieve U. Benebe, at iba pang miyembro ng Local Health Board.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *