51 Couples, Dumalo sa Pre-Marriage Orientation and Counseling

Noong February 1, ginanap ang isang Pre-Marriage Orientation and Counseling para sa mga mag-iisang dibdib sa darating na Kasalang Bayan 2024 sa February 8. Nasa 51 couples na nakatakdang magpakasal ang dumalo sa aktibidad na ginanap sa Balon Bayambang Events Center sa pag-oorganisa ng MSWDO katuwang ang LCR at iba pang miyembro ng PMOC team ng LGU.

Naging speaker sa naturang PMOC sina Local Civil Registrar Ismael Malicdem, Jr., MSWD Officer Kimberly P. Basco, at Population Program Worker II Alta Grace Evangelista. Layunin ng mga usaping ito na matulungan ang mga ikakasal na mapagtibay ang kanilang samahan bilang mag-asawa, maging responsableng magulang sa kanilang mga anak, at mapagplanuhang mabuti ang pamilyang kanilang bubuin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *