525 na Bayambangueño, Nakatanggap ng Libreng College Education sa BPC

Noong Lunes, September 4, 2023, ang Bayambang Polytechnic College ay nagsagawa ng isang College Orientation program sa Balon Bayambang Events Center, na dinaluhan ng lahat ng estudyante, mga guro at opisyal sa pangunguna ni BPC College President, Dr. Rafael Saygo, at mga municipal officials, sa pangunguna ni Vice Mayor IC Sabangan.

Tinalakay sa programa ang mga academic at non-academic matters na nagsisigurong magiging matagumpay sa pag-aaral ang lahat ng enrollees.

Sa semestreng ito, mayroong kabuuan na 525 estudyante ang nag-enroll, kung saan 65 ang nasa second year ng Agribusiness at 169

and nasa first year. May 52 and second year sa Entrepreneurship at 179 sa first year. May 30 naman ang nakaenroll sa 4th batch ng Computer System Servicing NC II at 30 rin sa 4th batch ng Electrical Installation and Maintenance NC II.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *