6 SLPAs, Tumanggap ng DSWD Startup Fund

Tinanggap ng anim na Sustainable Livelihood Program Association (SLPA) ang kanilang startup fund mula sa DSWD noong December 4, 2023.

Iginawad ang mga tseke sa One Ambayat Consumers SLPA (Ambayat 1st) na nakatanggap ng P405,000, United Ilocano Consumers SLPA (Ambayat 2nd) na mayroong P285,000, Malioer Consumers SLPA na may P240,000, Agrika Dito Farm Supply SLPA (Pantol) na tumanggap ng P285,000, SG Printing Services SLPA (San Gabriel 2nd) na mayroong P270,000, at Daily Grocery Consumers SLPA (Tatarac) na tumanggap ng P150,000.

Ang naturang pondo ay nakalaan para sa kanilang mga napiling proyektong pangkabuhayan. (by Khim Ambrie L. Ballesteros/RSO; Photos: Rob Cayabyab)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *