“A Miracle Mission”

Tinawag na isang “milagrosong misyon” ang isinasagawang Grand Medical Mission ngayon sa bayan ng Bayambang.

Ito ay ayon sa overall coordinator ng Philippine Medical Society of Northern California na si Dr. Carmelo Roco, sa kanyang talumpati sa opening ceremony kaninang umaga bilang parte ng Monday flag-raising ceremony sa Balon Bayambang Events Center.

Sa seremonya ay nagtalumpati rin ang lola ni Mayor Niña Jose-Quiambao na si Dr. Carmencita Jose, na naging dating Presidente ng grupo, kasama ang kanyang asawa na si G. Irwin Jose, at ang kasalukuyang Presidente ng grupo na si Dr. Mark Gonzalgo.

Kanilang ipinaliwanag na ang Grand Medical Mission ay biglaang inilipat sa Bayambang nang di ito matuloy sa ibang bayan dahil sa ‘di inaasahang kadahilanan.

At kahit na mabilis ang mga naging pangyayari, nagpapasalamat ang grupo dahil mabilis itong sinalo ng LGU, salamat sa pagpayag ni Mayor Niña at SATOM, Dr. Cezar Quiambao, at sa pagtutulungan ng mga department at agency head ng Bayambang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *