Agew na Propesyunal at Mini-Job Fair, Dinayo ng 482 Clients/Applicants

Noong August 22, 2023, nagkaroon ng Mini-Job Fair sa Balon Bayambang Events Center sa pag-oorganisa ng Public Employment Service Office (PESO)-Bayambang.

Naitala na mayroong 25 aplikante na na-interview, 9 ang qualified, 4 ang hired on the spot, at 12 naman ang near-hire.

Mayroong total 36 registrants, kung saan 26 ang sa local at 9 naman sa overseas.

Kasabay nito ay ang Agew na Propesyunal mobile service kung saan nag-avail ang 446 na Bayambangueño ng mga libreng serbisyo mula sa Professional Regulations Commission (PRC) Regional Office 1 kabilang ang Aplikasyon para sa Licensure Examination at iba pa.

Ang pagkakaroon ng ganitong programa ay malaking tulong upang makatipid ang mga propesyunal sa paglalakad ng kanilang mga dokumento mula sa PRC.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *