Patuloy ang pagtaas ng kaso ng dengue sa Bayambang, kaya’t walang-tigil din ang fogging at misting operations ng RHU, sa tulong ng provincial government. Inaabisuhan ang lahat na mag-ingat at makiisa sa 4 o’clock habit. Linisin ang paligid at itapon o takpan ang lahat ng stagnant water, lalo na ang mga naiwang tubig-ulan sa lahat ng posibleng water receptacles.