Bayambang, 100% Scorer Muli sa ADAC Awards

Noong November 24, 2023, muling iginawad ng DILG sa bayan ng Bayambang ang isa na namang Regional Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance Award matapos makatanggap ng 100% assessment score ang bayan sa 2023 ADAC Audit at Peace and Order Council (POC) Audit ng ahensya.

Ang karangalang ito ay tinanggap ni Municipal Councilor Martin E. Terrado II sa ngalan ni Mayor Niña Jose-Quiambao, kasama si Municipal Local Government Operations Officer Johanna T. Montoya, sa La Union Convention Center, Brgy. Sevilla, City of San Fernando, La Union.

Ang pagkilalang ito ay isang katibayan ng lokal na pamahalaan sa masinsinang pagsawata sa paggamit ng ilegal na droga sa bayan ng Bayambang at pananatiling drug-cleared ng lahat ng barangay nito. (by Vernaliza M. Ferrer/ RSO)

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *