Ang bayan ng Bayambang ay napag-alamang isang 100% zero open defecation (ZOD) town, matapos na maging matagumpay ang naging municipal-level validation.
Ayon sa ulat ng RHU II, nakapasa ang pinakahuling barangay na ininspeksyon ng validation team, ang Brgy. Manambong Parte, kung kaya’t 100% ng mga barangay sa Bayambang ang maituturing na may zero open defecation. Ito ay nangangahulugang may maayos na toilet at tamang pagtatapon ng basura ang bawat sambahayan sa Bayambang.
Kabilang sa mga nagconduct ng pinakahuling ZOD validation sa Brgy. Manambong Parte noong August 6, 2024 ay sina Ms. Joanne Villanueva, DOH DMO IV, Ian dela Peña (NDP), Ian Mendoza ng Provincial Health Office (PHO), Engr. Christine Patayan (DSI-BDH ILHZ), Jonathan Florentino (RHU I Sanitary Inspector), Christian David Aquino (RHU II Sanitary Inspector), at Russel Valdez (RHU III volunteer).
Nakatakdang sumailalim naman ang Bayambang sa DOH regional validation bago magtapos ang taong 2024. (RSO; RHU II)